Ang Teknikal-Bokasyunal na sulatin sa Filipino sa Piling Larang
MGA HALIMBAWA: Manwal - naglalaman ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang produkto, kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso, estruktura, at iba pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito. Liham pangnegosyo - Ito ay isang pormal na sulatin na karaniwang ginagamit sa taong nasa labas ng organisasyon o kompanya.Ito rin ay higit na pormal sa mga personal na sulat. Bukod dito, may nararapat dn na paraan kung paano ito sulatin katulad lamang ng margin na isang pulgado sa bawat gilid ng papel. Flyers/leaflets - Ay uri ng nakasulat na adbertismo o patalastas na ang layuning ay para sa malawak na distribyusyon at karaniwan ibinabahagi sa pampublikong lugar sa mga indibidwal o sa pamamagitan ng selyo. Deskripsyon ng produkto - pagpapakilala at pagbibigaykatangian sa isang produkto o serbisyo bago ito tangkilin ng isang mamimili. ...